Pagdaan ng mga Provincial bus sa Sta. Rosa at Valenzuela terminal, sinuspinde muna
Sinuspinde muna ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng pagdaan ng mga provincial bus sa terminal sa Sta. Rosa at Valenzuela city.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, pansamantala itong itinigil dahil masyadong napu pulitika ang isyu.
Tumanggi muna siyang magbigay ng detalye pero itutuloy aniya ang dry run pagkatapos ng meeting ng MMDA sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Bukod dito, hindi pa rin aniya napaplantsa kung anong mga city buses ang ire-route sa naturang mga terminal.
Maaring maapektuhan ang mga pasahero dahil hindi pa malinaw kung may mga bus na sasalo sa mga pasahero na bababa sa naturang mga terminals.
Ulat ni Meanne Corvera