Pagdadala ng armas outside residence, nais ng ipagbawal
Ipinapanukala ni Senador Panfilo ” Ping” lacson na tuluyan nang ipagbawal ang pagdadala ng baril sa labas ng bahay.
Ayon kay Lacson dapat limitahan na lang sa mga uniformed personnel ang pagbibitbit ng armas.
Sa ganitong paraan aniya madaling matutukoy ang mga kriminal at maaring ireport sa mga otoridad ang mga nagdadala ng baril.
Iginiit ni Lacson na nag-aaplay lang naman ng baril ang mga sibilyan bilang proteksyon sa kanilang sarili o pamilya at kung may banta sa kanilang buhay dapat humingi ng tulong sa mga otoridad
Kasabay nito hinimok ni Lacson ang PNP na muling magsagawa ng house to house campaign laban sa mga loose firearms.
Ulat ni Meanne Corvera