Pagdagsa ng mga pasahero sa MRT, asahan
Naghahanda na ang pamunuan ng MRT sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa lunes.
Sa lunes na magsisimula ang isang buwang libreng sakay sa MRT bilang tugon ng gobyerno sa mataas na presyo ng mga bilihin dulot ng pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni MRT OIC Michael Capati na dahil sa inaasahang pagdagsa ng pasahero dalawampung tren na ang kanilang gagamitin kasama na 4 car train set na kayang magsakay ng 1576 na pasahero kada biyahe.
Ang libreng sakay ay magsisimula ng 4:40 ng madaling araw hanggang alas dies ng gabi mula March 28 hanggang April 30.
Naglabas naman ang MRT ng mga panuntunan sa libreng sakay .
Gaya ng ordinaryong araw ang mga pasahero kailangan lang ang stored value card o single journey ticket.
Walang babayaran sa pagkuha ng mga single journey ticket pero kailangang ingatan dahil kapag nasira o nawala maaring magmulta ng 50 pesos.
Ang mga may Beep card hindi babawasan ang kanilang pondo sakaling i tap ito sa mga entry at exit points.
Sakaling mabawasan pinapayuhan ang mga pasahero na agad ireport sa kanilang mga counter.
Mahigpit namang ipatutupad ang health protocol sa loob ng tren gaya ng pagkuha ng temperature,
bawal ang pagsasalita, pagkain o pag inom at pakikipag usap sa mga telepono habang nasa loob ng mga bagon.
Sa ngayon nag- aundergo ng train rehab nakaka assure nasa magandang katayuan ang mga tren kapag nagbukas common station naka design kayanin 600 pasahero kada araw.
Meanne Corvera