Pagdakip sa dalawang NDF Consultants, ligal- Malakanyang
Pinayuhan ng Malakanyang ang National Democratic Front o NDF at iba pang makakaliwang grupo na dumulog sa Korte at maghain ng habeas corpus.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos umangal ang makakaliwang grupo na labag sa karapatang pantao at Joint Agreement on Safety Immunity Guarantees o JASIG ang pag aresto ng mga pulis kina NDF consultant Rafael Baylosis at Guillermo Roque.
Sa press briefing sa Baguio City, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang nilalabag ang gobyerno na JASIG dahil wala ng umiiral na usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng kumunista.
Nanindigan si Roque na ang sinumang may kaso sa hukuman at mayroong standing arrest warrant ay dapat na arestuhin ng mga otoridad.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===