Pagdalo ng mga Cabinet official sa pagdinig ng Senado, kailangan munang ihingi ng clearance kay PRRD
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na basta-basta makadadalo ang mga miyembro ng gabinete sa mga pagdinig ng senado ng wala siyang pahintulot.
Sa kanyang regular weekly Talk to the People sinabi ng Pangulo na kailangan munang humingi sa kanya ng clearance ang cabinet member o sinumang opisyal ng pamahalaan na nasa ilalim ng Executive department na pinadalhan ng inbitasyon para dumalo sa pagdinig ng Senado.
Ayon sa Pangulo, kapuna-puna ang ginagawa ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon na nag-iimbita ng maraming resource person na hindi naman naisasalang o kaya ay binubully lamang kaya nasasayang ang oras na dapat sana ay ipinagtrabano na ng imbitadong government officials.
Inihayag ng Pangulo na walang siyang intensiyon na hadlangan ang oversight funtions ng Senado sa pamamagitan ng investigation in aid of legislation na magbibigay-daan para makalikha ang isang batas o di kaya ay mabulgar ang isang anomalya at mapanagot ang may kasalanan.
Naniniwala ang Pangulo kung ang imbestigasyon ng Senado ay nauuwi na sa Grandstanding in Aid of Election at hindi na In Aid of Legislation ay may karapatan siya bilang pinuno ng Executive Department na huwag ng padaluhin ang iniimbestigahang opisyal.
Vic Somintac