Pagdalo ni Pangulong BBM sa F1 grand prix hindi na dapat gawing isyu
Walang masama sa ginawang panonood ni Pangulong Bongbong Marcos ng formula 1 grand prix sa Singapore.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, hindi na dapat palakihin ang isyu dahil free time na ito ng Pangulo.
Bonus na lang aniya na nakausap ng Pangulo ang mga delegado mula sa business community at hinikayat na mamuhunan sa bansa.
Iginiit rin ni Zubiri na hindi dapat kwestyunin kung magkano at sino ang gumastos ng biyahe ng Pangulo.
Sa kanya raw kasing pagkakaalam, naimbita ang Pangulo ni Prime Minister Lee Hsien Loong at kapag naimbitahan nangangahulugan na ang Singaporean government ang sumagot sa ticket at accomodation ng Pangulo.
Para kay Zubiri magaling ang ipinakitang performance ng Pangulo sa loob ng kaniyang isandaang araw sa Malacañang.
Naging magaling rin itong salesman para mahikayat ang mga dayuhan na mamuhunan sa bansa.
Meanne Corvera