Pagdalo ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa budget hearing sa Kongreso, tiniyak ni PCOO Secretary Martin Andanar
Sinisiguro ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang pagdalo ni Assistant Secretary Mocha Uson sa Budget hearing sa Kongreso.
Sinabi ni Secretary Andanar na kaya hindi nakadalo sa budget hearing ng PCOO sa Kongreso si Assistant Secretary Uson dahil isinama siya ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa united nation sa New York.
Ayon kay Andanar tutugon ang PCOO sa kahilingan ng Kongreso na dapat humarap si Assistant Secretary Uson sa Budget hearing para personal na makapagpaliwanag sa mga tanong ng mga Kongresista.
Si Assistant Secretary Uson ay pinag-iingat ng mga Kongresista dahil sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan nito lalo sa kanyang mga isyung inilalabas sa kanyang blog.
Aminado si Andanar na bagamat under ng kayang opisina si Uson ang tanging makakasibak sa kanya sa puwesto ay si Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil sa hindi pagsipot ni Uson sa budget hearing sa Kongreso inipit ng mga Kongresista ang budget ng PCOO nakapaloob sa 2019 Proposed National Budget.
Ulat ni Vic Somintac