Pagdami ng kaso ng Leptospirosis, binabantayan ng DOH
Binabantayan ngayon ng Department of Health ang patuloy na pagdami ng kaso ng leptospirosis sa ilang bahagi ng bansa.
Batay sa datos ng DOH, mayroon nang animnaraan at tatlumput isang kaso ang naitala simula noong Enero hanggang nitong Mayo 7, mas mataas ito ng anim na porsyento kumpara sa parehas na panahon noong nakaraang taon.
Ang mga ito ay mula sa mga Region II, region VII, Cordillera Administrative Region, at sa National Capital Region.
Patuloy naman ang babala ng ahensya sa publiko na gumamit ng bota o kaya ay maghugas agad ng paa kapag lumusong sa tubig baha.
Ayon sa DOH, karaniwan na ang sakit na leptospirosis dahil sa tag-ulan nanaman.