Pagdampot sa mga tambay, paglabag umano sa batas, ayon sa Oposisyon

Nagbabala ang oposisyon laban sa utos ng Pangulo na ipadampot ang mga tambay sa mga lansangan.

Paalala ni Senador Francis Pangilinan, hindi krimen ang tumambay o magpakalat-kalat sa lansangan.

Katunayan, ipinawalang bisa na aniya ang Republic Act 10158 o Vagrancy.

Iginiit ni Pangilinan na hindi trabaho ng mga pulis, sundalo, at lahat ng uniformed personnel ang pagbabantay o pag -aresto sa mga tambay kundi para mapanatili ang peace and order sa bansa.

Babala ni Pangilinan ang mga sundalo at pulis ang tagapagpatupad ng batas at hindi pasimuno sa paglabag.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *