Pagdaragdag ng mga classroom at teacher kasama sa prioridad ng DEpEd sa 2024 proposed budget

Gumagawa na ng hakbang ang Department of Education o DepEd para resolbahin ang problema ng kakulangan ng mga silid aralan at mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Department of Education sa harap ng mga kongresista na miyembro ng House Committee on Appropriations sa ginawang budget deliberation ng DepEd para sa taong 2024 na nagkakahalaga ng 924.7 bilyong piso.

Sinabi ng deped na tatlong hakbang ang isinusulong para mapabuti ang basic educational services sa bansa at ito ay ang pagtatayo ng mga karagdagang classrooms, pagha-hire ng karagdagang teachers at pagpapatupad pa rin ng blended educational program sa panahon ng kalamidad upang hindi maantala ang learning process ng mga estudyante.

Batay sa record ng DEpEd mayroong 159,000 ang classroom bocklog at 32,260 ang kakulangan sa teaching position.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *