Pagdaragdag sa tax exemption sa duty free shopping ng mga returning OFWs at mga Pinoy balikbayan isinusulong sa Kamara
Itinutulak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na itaas sa six thousand dollars ang tax exemption ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs at mga balikbayan kapag mamimili o magsa-shopping sa mga duty free shop na pinapangasiwaan ng Department of Tourism o DOT.
Sa House bill 6472, sinabi ni House Minority Leader Marcelino Libanan, panahon na para i-upgade ang benepisyo ng mga OFWs at mga balikbayan dahil mahigit tatlumpung taon na ang batas sa Balikbayan Program.
Ayon kay Libanan, kapag naisabatas ang kanyang panukala mahihikayat ang maraming OFW’s at balikbayan na mag-shopping sa mga duty-free shop sa bansa sa halip na sa abroad.
Sinabi ni Libanan kapag gumagastos ng dalang dolyar ang mga OFWs at mga balikbayan makatutulong ito para sa dagdag na dollar reserved sa ating ekonomiya.
Inihayag ni Libanan sa kasalukuyan, umaabot lang sa 3,500 dollars ang tax exemption purchase ng mga OFWs at balikbayan sa mga duty free shop ng DOT.
Niliwanag ni Libanan, sa naturang halaga, 1,500 dollars ang kabuuang tax exemption sa discretionary consumer goods 2,000 dollars sa livelihood tools gaya ng computers, sewing machines at iba pa.
Batay sa kasalukuyang batas ma-a-avail ng mga balikbayan ang kanilang tax-exemption purchase sa loob ng labing-limang araw pagdating ng bansa at 3-days extension from arrival ngayong holiday season na nagsimula noong November 15 hanggang January 15, 2023.
Vic Somintac