Pagdaraos ng Earth Hour, matagumpay
Muling sinuportahan ng iba’t-ibang pamantasan, environmental groups, Government agencies ang taunang pagdaraos ng Earth Hour.
Bago ang 8:30 PM light switch off activity ay nagsagawa muna ng konsyerto na pinangunahan ng mga song artist.
Ang Pilipinas ay isa sa aktibong nakikiisa sa malaking kampanya na ito na nasa ika-11 taon na.
Sabay-sabay na nagpatay ng ilaw ang ibat ibang mga bayan, mga lungsod sa buong bansa pagpatak ng alas-8:30 ng gabi.
Nakiisa rin sa switch-off event ang Boy Scouts of the Philippines.
Aabot sa higit 2,000 BSP ang nakibahagi sa aktibidad at tinuruan ang mga ito ng pangangalaga sa kalikasan.
Naging mahalaga rin ang partisipasyon sa event ng National Youth Council, dahil ang mga kabataan ang susunod na mangangalaga sa kapaligiran.
Natuon ang aktibidad sa temang Biodiversity o pangangalaga sa kalikasan.
Ngayong 2019 inilunsad din ng Worldwide Fund Philippines (WWF-Phils) ang panibago nilang kampanya na #ayokongplastic, kung saan hinihikayat nila ang mga Pinoy na iwasan na ang single-use plastics na nakakadagdag sa polusyon at posibleng mas lalo magpalala sa nararanasan nating pagbabago sa kapaligiran.
Hinihikayat din nila ang publiko na irecycle nalamang ang mga ginagamit na plastics upang makabawas din sa polusyon sa kapaligiran.
Nagpaabot rin ng suporta ang Malacañang maging si Pangulong Duterte at iba pang ahensya ng pamahalaan sa ginawang event.
Nagpapasalamat ang WWF sa lahat ng mga Filipinong nakiisa sa environmental acitivity.
Ulat ni Earlo Bringas