Pagdaraos ng sale sa mga Shopping mall, pinayagan na ng IATF
Bilang bahagi ng pagluluwag ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng Pandemya ng Covid-19, pinayagan na ng Inter Agency Task Force o IATF ang pagdaraos ng sale sa mga Shopping mall.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nakapaloob sa Resolution no. 79 na inaprubahan ng IATF ang pagpayag na makapagsagawa ng sale ang mga shopping malls upang unti-unti ng makakabangon ang ekonomiya.
Ayon kay Roque, bahala ang Department of Trade and Industry o DTI na magtakda ng mga safety guidelines sa operasyon ng mga shopping malls.
Inihayag ni Roque mahalagang masunod parin ang mga health standard protocols habang niluluwagan na ang galaw ng ekonomiya ng bansa lalo na at malapit na ang holiday season.
Presidential Spokesperson Harry Roque:
“As part of the gradual reopening of the economy, the IATF authorized the Department of Trade and Industry (DTI) to adjust the permissible on-site operational capacities of all business establishments and/or activities under GCQ or lower. Also, business establishments and malls may hold activities to spur consumer and economic activity, including sale subject to the DTI guidelines in the operations of malls and shopping malls”.
Vic Somintac