Pagdaraos ng World Tourism Summit 2022, ipinasusupinde
Pinasususpinde ni Senador Imee Marcos sa Department of Tourism ang World Travel and Tourism Council (WTTC) Global Summit na nakatakdang isagawa sa Marso ng susunod na taon kung saan host ang Pilipinas.
Sa pagtalakay sa panukalang 2022 budget ng DOT, sinabi ni Marcos na baka maging daan pa aniya ito ng Covid outbreak sa bansa.
Ayon sa Senador, kailangang tapusin muna ang pagbabakuna bago sumabak sa mga ganitong international summit.
Senador Marcos:
“Hindi ba dapat ma-vaccinate muna? Ibagsak muna yung infection numbers bago tayo sumabak sa mga international summit katulad nito. I think the more prudent measure would be to postpone this further”.
Noong Lunes inanunsyo ni Tourism Secretary Berna Romulo Puyat na ang Pilipinas ang host ng WTTC Global summit, kung saan inaasahang dadalo ang may 800 delegado mula sa International Travel and Tourism companies.
Ngayong Oktubre sana isasagawa ang summit pero inilipat ito ng Marso dahil sa pagtaas muli ng kaso ng mga tinatamaan ng Covid-19.
Meanne Corvera