Pagdating ng AstraZeneca vaccines sa bansa , ipinagpaliban sa susunod na linggo
Naantala ng isang linggo ang pagdating sa bansa ng mga bakuna ng Astrazeneca.
Ayon kay Health secretary Francisco Duque III at kay Vaccine czar Carlito Galvez ,ipinarating ng World Health Organization na hindi muna matutuloy ang delivery ng bakuna ngayong araw, bunsod ng limitadong suplay ng bakuna.
Anila,makakapaghintay pa ang bansa kasabay ng pagsasagawa ng vaccine rollout kontra COVID-19.
dagdag pa ng mga opisyal ang AstraZeneca vaccine ay pinag -aagawan ng mga bansa sa Europe at iba pang developing countries.
Please follow and like us: