Pagdating sa bansa ng Sputnik V vaccine ng Russia, lalung magpapalakas sa Vaccination program ng Gobyerno- Galvez
Positibo si National Task Force against COVID-19 (NTF) chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez Jr. na lalung magpapalakas sa Vaccination program ng Gobyerno ang pagdating sa bansa ng mga Covid vaccine ng Russia na Sputnik V.
Nitong Sabado, May 1 ay dumating sa bansa ang paunang 15,000 doses ng Sputnik V.
Ang mga bakuna ay sakay ng Commercial flight ng Qatar Airways at sinalubong nina Galvez at Health Secretary Francisco Duque III.
Kasama rin sa sumalubong sa bakuna sina Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlo at Undersecretary Robert Borje, Chief of Presidential protocol at Presidential Assistant on Foreign Affairs.
Bahagi ang mga bakuna ng 10 million doses na makukuha ng Pilipinas mula sa Gamaleya Research Institute.
Ayon kay Galvez, sa pamamagitan ng mga karagdagang bakunang ito, makakamit na ang target ng Gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong mga Filipino bago matapos ang taong ito.
Pinasalamatan ni Galvez ang Russia sa pagdating ng mga bakuna.
Statement Galvez:
“In these difficult times, our stronger bilateral relation with nations such as Russia has enabled us to successfully negotiate with the Direct Investment Fund of Russia, and secure the vaccines we need to build up our nation’s vaccine portfolio”.