Pagdedeklara ng kandidatura ni Senador Pacquiao bilang pambato ng PDP-Laban, iligal
Tinawag na iligal ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP-Laban) Cusi faction ang pagdedeklara kay Senador Manny Pacquiao bilang pambato ng partido sa eleksyon sa Mayo.
Ayon kay Atty. Melvin Matibag, Secretary-General ng partido, maaaring magdeklara ng kaniyang kandidatura si Pacquiao pero hindi maaaring gamitin ang PDP-Laban.
Wala aniya kasing approval ng kanilang Chairman na si Pangulong Rodrigio Duterte ang National Assembly kung saan inanunsyo ang pagtakbo ng Senador.
Maaari naman aniyang kumandidato si Pacquiao gamit ang kaniyang partido na People’s Champ movement.
Dapat rin aniyang maglabas ng Temporary Restraining Order o Writ of Preliminary Injunction ang Comelec kung wala pang pasya sa kanilang mga petisyon para hindi na makagawa ng anumang labag sa kanilang Party Constitution ang kabilang paksyon.
Meanne Corvera