Pagdedeklara ng State of Calamity sa mga lalawigang may outbreak ng tigdas hindi na umano kailangan

Hindi na umano kailangang magdeklara pa ng State of Calamity sa mga lalawigang may outbreak ng tigdas kabilang na ang Calabarzon region.

Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross, hindi na kailangang magdeklara ng National Emergency o Pandemic outbreak.

Nangangamba si Gordon na samantalahin ng mga lokal na opisyal ang pagkakataon o sitwasyon ng mga bata para magkaroon ng access sa calamity funds at magamit sa pangangampanya.

Katwiran ng Senador, kayang-kaya pang solusyunan ang kaso sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna o pagpapalakas sa immunization program ng gobyerno.

Malinaw aniya sa Section 3 ng Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act na maaari lang magdeklara ng State of Calamity kapag may mass casualty o minor damages sa mga ari-arian.

Senador Gordon:
“Section 3 of Republic Act 10121, known as the “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010,” defines a State of Calamity as “a condition involving mass casualty and/or major damages to property, disruption of means of livelihoods, roads and normal way of life of people in the affected areas as a result of the occurrence of natural or human-induced hazard”.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *