Pagdedeklara ng State of Calamity sa Tagaytay, mas makabubuti para matulungan ang mga apektado nating kababayan – DOST
Mas maganda umanong ideklara na ang state of calamity sa mga lugar na matinding apektado ng pagsabog ng Taal Volcano sa Tagaytay city.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, agad na mabibigyan ng tulong at ayuda ang mga kababayan nating nasalanta ng pagyanig at pagbuhos ng abo mula sa Taal.
Aniya, hindi lang ang gobyerno ang maaaring makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan kundi maging ang ibang mga bansa at pribadong organisasyon.
Inaasahan ng kalihim na ang nasabing rekomendasyon ay pag-uusapan sa pagpupulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sec. Fortunato Dela Peña:
Hindi naman inaalis ng Phivolcs ang posibilidad ng pagdedeklara ng Alert level 5 sa Taal Volcano. Ang Alert level 5 ay idinedeklara kung nagpapakita na ang taal ng Hazardous explosive eruption. Paliwanag nito na makikita ang sobrang tayog ng pagsabog ng taal at tumatawid na sa lawa at tumatama na sa mga lakeshore communities ang epekto ng pagsabog.
Ulat ni Eden Santos