Pagdinig ng DOJ sa mga kaso laban sa mga tinaguriang Ninja cops, itutuloy ngayong araw
Ipinagpatuloy ng Department of Justice (DOJ) ang reinvestigation nito ngayong araw sa mga kaso laban sa tinaguriang Ninja cops na sangkot sa kontrobersyal na Anti- Illegal drugs raid sa Pampanga noong 2013.
Inaasahang isusumite sa hearing ng complainant na PNP-CIDG ang kanilang ammended at supplemental complaint at mga karagdagang ebidensya.
Una nang sinabi ng CIDG na isusumite nilang ebidensya ang Transcript ng pagdinig ng Senado ukol sa Ninja cops issue.
Hindi sumipot sa nakaraang pagdinig si Police Major Rodney Baloyo IV na nakakulong sa bilibid matapos patawan ng contempt ng Senado.
Si Baloyo at ang kanyang 12 tauhang pulis ay nahaharap sa mga reklamong misappropriation, planting of evidence at custody and disposition of evidence sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Inaakusahan sina Baloyo ng pag-recycle ng mga nakumpiska nilang droga sa anti-drugs operation sa Pampanga.
Una nang ibinasura ang reklamo noong 2017 pero ito ay isinasailalim pa sa Automatic review ng Office of the Secretary.
Iniutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagbubukas muli ng imbestigasyon sa kaso matapos ang mga panibagong rebalasyon sa pagdinig ng Senado.
Ulat ni Moira Encina