Pagdinig ng senado sa isyu ng tongpats sa ini-import na karneng baboy umarangkada na
Umapila si Senador Ping Lacson kay Pangulong Duterte na bawiin ang kaniyang naunang kautusan para ibaba ang buwis sa mga inaangkat na karneng baboy. Ang pag aangkat ang nakikitang solusyon ng gobyerno para bawasan ang impact ng african swine fever at mapababa ang presyo ng baboy sa merkado.
Sa pagdinig ng senate committee of the whole isyu ng umanoy tongpats sa mga imported na baboy sinabi ni Lacson na dapat pag isipan ng gobyerno ang hakbang.
Babala ng senador double dead na ang epekto ng kautusan ng pangulo sa local hog industry at government revenues.
Sen. Ping Lacson “Botcha o double dead ang epekto ng EO 128. Bakit? patay ang lokal na industriya ng baboy patay din ang koleksyon ng taripa ng gobyerno.”
Sa sulat ng pangulo sa kongreso, inirekomenda nito na itaas ang mav sa 350 metric tons bilang karagdagan sa kasalukuyang inaangkat na 54 thousand metric tons.
Pero giit ni Lacson, sapat ang kasalukuyang suplay ng baboy para sa kasalukuyang demand. Katunayan sa annual average consumption ng karneng baboy mula 2018 hanggang 2020, umabot lang ito sa 1. 85 million metric tons habang ang average local production ay umabot naman sa 2. 25 metric tons.
Meanne Corvera