Pagdinig ng Senado sa Navy frigates deal, nagsimula na…mga supporters ni Bong Go, dagsa sa Senado
Nagsimula na ang imbestigasyon ng Senate Committee on National defense
and security sa umanoy anomalya sa Navy frigates deal na nagkakahalaga
ng 15.7 billion pesos.
Presente sa pagdinig si Special Assistant to the President Bong Go na isa sa mga idinadawit sa umano’y anomalya sa kontrata.
Full force rin ang mga miyembro ng gabinete ng Pangulo kabilang na si
Presidential Spokesperson Harry Roque.
Hindi umano sila inutusan ng Pangulo na magtungo sa Senado at nais lang
daw nilang ipakita ang suporta kay Bong Go.
Bukod kay Roque, nasa plenaryo ng Senado sina Foreign Affairs
Secretary Alan Peter Cayetano, Presidential Communications Operations
Office head Martin Andanar, Presidential political adviser Francis
Tolentino, Energy secretary Alfonso Cusi, DOLE secretary Silvestre
Bello III, at Philippine Charity Sweepstakes Office board member
Sandra Cam.
Nasa Senado rin ang actor na si Robin Padilla, para magpakita ng
suporta kay Bong Go.
Samantala, dumagsa rin sa Senado ang mga supporters ni Bong Go.
Pagpapakita umano ito ng kanilang suporta para patunayan na inosente si
Bong Go sa mga ibinibintang laban sa kanya.
Ayon sa organizers ng pagtitipon, nagmula pa ang mga supporters sa
Dasmariñas sa Cavite, Pampanga, Tarlac, Bulacan at Mindanao.
Ang mga supporters ay nakasuot ng pulang t-shirt at bitbit ang ma placards na may nakasulat na Bong Go, matinong tao at We believe and support Bong go.
Dahil sa nasabing mga supporters, sarado ngayon ang isang lane ng
Diokno Boulevard at nagdudulot na rin ito ng matinding traffic sa mga
sasakyang pumapasok at lumalabas sa may CCP complex.
Ulat ni Meanne Corvera