Pagdinig ng Senado sa pagsadsad ng Xiamen Air sa NAIA, nagsimula na
Nagsimula na ang imbestigasyon ng Senate Committee on Public Services sa isyu ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen airlines sa Ninoy Aquino International airporto NAIA.
Sa pagdinig, agad humingi ng paumanhin si Transportation secretary Arthur Tugade lalo na sa mga naabala ng Xiamen air incident.
Inamin ni Tugade na sumama ang kanilang loob sa mga batikos, panawagang magresign sila sa pwesto at nakiaalam sa kanilang trabaho dahil tumagal ng 36 na oras bago tuluyang naalis sa runway ang sumadsad na eroplano
Pero iginiit ng kalihim na hindi sila nagpabaya at resonable na ang 36 na oras para tanggalin ang isang malaking eroplano gaya ng Xiamen air.
Kailangan rin aniyang maging maingat sa kanilang desisyon sa pangambang magdulot pa ng mas malaking pinsala ang pag-aalis sa runway ng eroplano.
Ipinaliwanag ni Tugade na obligasyon ng Airline company na tanggalin ang naaksidenteng eroplano pero dahil walang resources ng Xiamen ang MIAA management ang gumawa nito.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: