Pagdinig ng Senado sa re-assignment kay Supt. Marvin Marcos nagsimula na

Nagsimula na ang pagdinig ng Senado sa ginawang re-assignment ng Philippine National Police kay Superintendent Marvin Marcos.

Si Marcos ang itinuturong pangunahing suspek sa pagptay kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ginawa ang imbeatigasyon sa pangambang makaapekto sa moral ng mga pulis.

Hindi nila maaring talikuran ang nangyaring iregularidad lalo na ang pag-downgrade sa kaso ni Marcos.

Nauna nang inimbestigahan ng komite ni Lacson ang kaso ng pagpatay kay Espinosa kung saan inirekomenda ang pagsasampa ng kasong murder laban kay Marcos at labinwalong iba pang tauhan ng PNP CIDG sa Region 8 pero ibinaba ito sa homicide ng DOJ.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *