Pagdinig ng Senado sa sugar fiasco nagsimula na
Umarangkada na ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa nangyaring sugar fiasco o naunsyaming pag- iimport ng asukal na aabot sa 300 thousand metric tons.
Batay ito sa inihaing resolusyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ipinursige ang importasyon dahil sa 600 million pesos na tongpats na maaaring makuhang kickback ng mga taga-Sugar Regulatory Administration.
Humarap sa pagdinig sina Executive Secretary Vic Rodriguez at ang mga nagbitiw na opisyal ng Sugar Regulatory Administration.
Isinalaysay ni Rodriguez kung paano nabuko ang nabigong importasyon at inaming kinumpronta si dating Agriculture Under Secretary Leocadio Sebastian dahil sa pagpirma sa Sugar Order no. 4 gayong walang alam dito ang Pangulo na siyang Kalihim ng Departmentt of Agriculture.
Pero hindi na natanong ng mga Senador si Rodriguez dahil kinailangan nitong umalis ng Senado para dumalo sa cabinet meeting.
Dumalo online si dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica pero inutusan ito ng Chairman ng Blue Ribbon Committee na si Senador Francis Tolentino na dumalo physically.
Meanne Corvera