Pagdinig ng Senado sa umanoy anomalya sa Department of Tourism , itinakda sa susunod na linggo
Itinakda na sa susunod na linggo ang pagdinig ng senado sa mga umanoy anomalya sa Department of Tourism na nangyari sa panahon ni dating Secretary Wanda Tulfo-Teo.
Sinabi ni Senator Antonio Trillanes IV na partikular nilang bubusisiin ang 60 million advertisement deal sa pagitan ng DOT at Bitag Media Unlimited na pag aari ng magkakapatid na Erwin at Ben Tulfo.
Nakatanggap kasi ng impormasyon si Rrillanes na nakatanggap ng cut ang tanggapan ng Presidential Communucations Operations Office sa nangyaring deal.
Hiniling na ni Trillanes na ang committee on tourism ang magsagawa ng imbestigasyon dahil walang interes ang blue ribbon committee ni Senador Richard Gordon
Sinabi ni Trillanes na maaring natatakot si Gordon na birahin sa media kaya ayaw ungkatin ang kaso laban sa mga Tulfo.
Nauna nang nagbanta si Trillanes na kakasuhan ng plunder ang magkakapatid na Tulfo dahil sa pagtangging isauli ang 60 million advertisement payment ng DOT.
Ulat ni Meanne Corvera