Pagdinig sa anti-hazing complaint laban sa mga suspek sa Salilig case, tinapos na ng DOJ
Idineklara nang submitted for resolution ng DOJ Panel of Prosecutors ang mga reklamong paglabag sa Anti- Hazing Law laban sa pitong suspek sa pagkamatay ng estudyanteng si John Matthew Salilig.
Ito ay matapos lamang ang isang pagdinig noong Biyernes sa DOJ.
Ayon sa panel of prosecutors, sa pitong suspek ay tanging ang sinasabing master initiator na si Daniel Perry ang nagsumite ng kontra-salaysay.
Hiniling naman ng apat na suspek na sina Tung Cheng Teng Jr., Mark Pedrosa, Sandro Victorino, at Michael Lambert Ritalde na iurong ang hirit nila na preliminary investigation at ito ay inaprubahan ng panel.
Si Earl Anthony Romero naman ay muli lang iginiit ang inihaing sinumpaang salaysay sa inquest proceedings.
Hindi naman pinagbigyan ng DOJ panel ang hiling ni Jerome Balot na palawigin pa ang deadline ng pagsusumite ng kontra-salaysay.
Dahil dito ay tapos na ang pagdinig ng DOJ sa hazing complaint at ito ay reresolbahin na ng panel.
Moira Encina