Pagdinig sa pag bogged down ng navigational equipment ng CAAP, itinakda sa susunod na linggo
Itinakda na ng Senado sa susunod na linggo January 12 ang pagdinig sa pag bogged down ng navigational equipment ng Civil Aviation Authority of the Philippines na nagresulta sa kanselasyon ng lahat ng flights papasok at palabas ng Pilipinas.
Sinabi ni Senador Grace Poe na Chairman ng Senate Committee on Public Services na pinapayagan naman ang senate inquiries kahit naka adjourn ang Senado.
Ayon sa Senador sapat na ang dalawang linggo para maibalik na sa normal ng DOTr at Civil Aviation Authority of the Philippines ang operasyon sa mga airport.
Wala na rin aniyang maidadahilan ang mga opisyal ng DOTr at CAAP para hindi makasipot sa Senate hearing.
Kasama naman sa nais ipatawag nina Senador Jinggoy Estrada at Nancy Binay ang mga dating opisyal ng DOTr kasama na si dating Secretary Arthur Tugade.
Ayon sa mga Senador kailangang maipaliwanag ng mga dating opisyal ang mga report na idinivert umano ang pondo para sa upgrading sana ng sistema ng CAAP sa beautification ng mga paliparan.
Dapat ring linawin kung nagkaroon ba ng diversion of funds na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.
Meanne Corvera