Pagdinig sa reklamo laban sa isang Indian- Pinoy businessman, isinailalim sa preliminary investigation sa DOJ

Sinimulan na ng DOJ ang pagdinig sa mga reklamo laban sa high-profile na Indian- Pinoy businessman at iba pang indibiduwal.

Nahaharap sa multiple counts ng reklamong falsification of public documents ang Indian- Pinoy trader na si Rajiv Chandiramani na inihain ng NBI at ng kapatid ng respondent na si Amith.

Sa hearing, humarap ang abogado ng complainant na si Atty. Edmundo Magpantay.

No show naman ang mga respondent at tanging ang abogado lang ng mga ito ang sumipotm

Ayon kay Atty. Magpantay, hiniling ng legal counsel ng respondents na mabigyan sila ng hanggang September 1 para maghain ng kontra salaysay.

Ang reklamo ay nag-ugat sa sinasabing pagsasabwatan ng mga respondent upang hindi makuha ng complainant ang kaniyang mana sa kanilang tatay na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso na real estate properties at mga negosyo sa Makati City at Quezon City.

Kabilang sa mga inireklamo ay ang nanay ni Rajiv na si Puspha at mga sinasabing kasabwat na sima Janet Cardinal, Maria Anita Turqueza, Rommel Olaybar, Christina Gutierrez at Angelito Manuel.

Sa reklamo ni Amith, inakusahan nito ang mga respondent ng iligal na paglipat kay Rajiv ng mga ari-arian na ligal na ipinamana ng kanilang tatay na si Prem bago ito pumanaw noong December 26, 2011.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *