Pagdiriwang ng Labor day kahapon, payapa – NCRPO
Maayos at payapa sa kabuuan ang pagdaraos ng Labor Day o Araw ng paggawa kahapon.
Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Major General Guillermo Eleazar, umaga pa lamang kahapon ay ininspeksyon na ng mga pulis ang mga lugar na pagdarausan ng kilos protesta partikular sa Welcome Rotonda kung saan nagtipon-tipon ang mga sektor ng manggagawa.
Binisita rin aniya nila ang Plaza Miranda, Liwasang Bonifacio, US Embassy at sa may Chino Roces bridge na pinagdausan rin ng mga kilos protesta.
At dahil na sa maayos na paglalatag ng seguridad sa mga nasabing lugar at maayos na pakikipag-usap sa mga lider ng multi-sectoral group ay naging payapa ang pagdaraos ng mga kilos protesta.
“Natutuwa tayo dahil kahapon ay naging maayos ang kabuauang selebrasyong ng Labor day. Ni wala isa mang untoward incident report on the ground”.