Pagdiriwang ng National Science and Technology Week 2017 ng DOST, naging matagumpay
Matagumpay ang isinagawang pagdiriwang ng National Science and Technology o 2017 na sinimulan noong Hulyo 11 hanggang a kinse.
Sa huling araw ay dagsa pa rin ang mga dumalo at sumaksi sa nabanggit na selebrasyon.
Ang pagdiriwang ng NSTW ay taunang ginagawa tuwing sasapit ang Hulyo batay sa Presidential Proclamation No. 169, s. 1993.
Ito ay naglalayon na pahalagahan ang siyensiya at teknolohiya sa bansa, makapaglaan ng mga oportunidad na pangkabuhayan mula sa agham at teknolohiya at makapag ambag sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa.
Itinalaga ang Department of Science and Technology upang manguna sa naturang pagdiriwang sa stulong na rin ng iba pang ahensya ng pamahalaan at maging ng pribadong sektor.
Sa pamamagitan din ng pagdiriwang ay kinikilala ang mga tanging ambag ng mga indibidual at institusyon na nakatulong upang iangat ang estado ng siyensiya at teknolohiya sa bansa.
Kasama dito ang Outstanding Young Scientist ng National Academy of Science and Technology.
Sa taong ito ang tema ng NSTW ay “science for the people” na dito ay ipinakikita sa tema ang pagnanais ng DOST at mga ahensya nito at iba pang katuwang sa nasabing pagsisikap na maiparating at pakinabangan ng mga mamamayan ang bunga ng mga ginawang pananaliksik sa bansa.
Sa anim na pavillion ng World Trade Center idinaos ang nasabing aktibidad.
Dito ay nakita ang mga exhibit ng ibat’ibang ahensya ng DOST tulad ng health, farm to table, biodiversity, transport services, homegrown innovations at disaster reduction.
Nagsagawa din ng mga forum na ginanap sa Philippine Trade and Training Center.
Ulat ni: Anabelle Surara