Pagdududa sa kredibilidad at integridad ng resulta ng eleksyon noong 2016 dahil sa isyu nina Comelec Chairman Andres Bautista at misis nitong si Patricia walang legal basis

Walang legal o factual basis ang konklusyon na nabahiran ng pagduda ang kredibilidad at integridad ng resulta ng eleksyon noong 2016 dahil sa isyu nina Comelec Chairman Andres Bautista at misis nitong si Patricia.

Ito ay ayon sa election lawyer ni Vice- President Leni Robredo na si Romulo Macalintal.

Naniniwala si Macalintal na isa lamang personal at seryosong away pamilya ang sigalot sa pagitan ng mga Bautista at wala itong naging epekto sa 2016 polls.

Giit ni Macalintal, wala namang binanggit si Patricia na tumanggap ang mister ng komisyon o referral para dayain ang resulta ng halalan.

Ayon pa sa abogado, ang automated election system na ginamit noong 2016 elections ay ang kaparehong sistema na ginamit din sa halalan noong 2010 at 2013 kung saan ang lahat ng poll protests ay ibinasura dahil sa kabiguan na patunayan ang discrepancy sa resulta ng mga boto.

Hindi rin aniya kayang i-manipula mag-isa ni Bautista o kahit ng lahat ng opisyal ng Comelec ang sistema ng halalan para paburan ang isang kandidato o partido pulitikal dahil nangangailangan ito ng sabwatan ng lahat ng mga tao na may kinalaman sa operasyon  ng automated election system.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *