Pagdumi Di Dapat Pilitin
Ang sabi ni Doc Domeng, kalimitan sa mga nagkakaalmuranas ay mga taong mahilig umire kapag sila ay nasa ‘bowl’ o nasa CR. Sila ‘yung halimbawa kailangang pumasok na sa trabaho kaya pipilitin na dumumi bago umalis ng bahay. At dahil nastrain sa pagdumi, may pressure, predispose sa almuranas. Meron anyang pag-aaral na nagsasabi na kapag ang isang tao ay nasa CR hindi kinakailangan o hindi dapat na magbasa na siyang karaniwang ginagawa ng marami. Bakit? Ang CR ay hindi reading room o RR, dahil dito nagkakaron ng increase of pressure, kung kaya predispose sa pagkakaron ng hemorrhoid.
Ano ba ang nararamdaman ng isang may almuranas? Narito ang sabi ni Doc, iba-iba ang nararamdaman. Iyung iba may pain o pananakit sa daanan ng pagdumi. Ang iba naman may itchiness o pangangati, ang iba ay nagkakaron ng pagbaba ng tinatawag na prolapse o pagbaba ng dulong parte ng kanilang daanan ng pagdumi. Ang iba naman nagkakaron ng pamamaga kapag naipit o nagkaron ng pagdurugo o bleeding o thrombosis.
Paano nagamit ang hemorrhoid? Depende sa degree. May dalawang klase pala ang almuranas, internal at external hemorrhoids. Ang external hemorrhoids ang kalimitang nararamdaman na masakit. Sa bandang loob naman at hindi masakit ang internal hemorrhoid at nagdurugo lamang. Makikitang may bahid ng dugo but not painful. Meron din namang kumbinasyon ng internal at external o mixed hemorrhoid.
Samantala, sa paggagamot, sabi ni Doc Domeng, kapag grade 1 or 2, pwede pang makuha sa conservative management. Usually, pinapayuhan na kailangang mapanatili na malambot ang dumi sa pamamagitan ng dietary modification.
Ang kinakain ay dapat na mataas sa fiber o hibla. Napakahalagang uminom ng 6-8 baso ng tubig kapag mataas ang fiber para hindi mamuo ang dumi.
Samantala, ang sitz bath ay importante. Ano ito? Ito yung inilulubog sa maligamgam na tubig ang daanan ng dumi. Ang init ang s’yang magbibigay ng magandang daloy ng dugo sa ilalim ng daanan ng pagdumi, and will give a soothing relief. Labinlimang minuto, tatlong beses sa isang araw pwede itong gawin. Kapag naramdaman na nawawala na ang pain at may improvement na, maaari na itong ihinto. Sino naman ang mga inoopera? Ito Yung mga nasa stage o grade 3 or 4 sabi ni Doc. Payo ni Doc Domeng, kapag may nakakapang laman, nararamdamang pangangati sa daanan ng pagdumi o may pagdurugo, mahalagang magpakonsulta. At sana ay nakatulong ang mga impormasyong ito sa ating mga kapitbahay, ‘ til next time!