Paggamit at pagbebenta ng mga paputok, ipinagbawal sa Mandaluyong City
Bawal na rin sa lungsod ng Mandaluyong ang pagtitinda at paggamit ng mga paputok at lahat ng uri ng pyrotechnic devices sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Alinsunod ito sa kautusan na nilagdaan ni Mayor Carmelita Abalos na layuning maprotektahan ang kalusugan ng mga residente lalo na’t mayroong pandemya.
Nakasaad sa executive order na hindi rin pinapayagan ang manufacturing at distribution ng mga paputok sa Mandaluyong.
Sinabi sa kautusan ipinatupad ang total ban dahil batid nila ang pangangailangan na mabawasan ang bilang ng mga firecracker-related injuries na kakailanganing gamutin sa mga ospital at maiwasan ang mass gatherings.
Pinatitiyak naman sa lokal na pulisya at mga opisyal ng barangay sa pakikipagugnayan sa city health office na mahigpit na maipatutupad ang total ban sa mga paputok.
Moira Encina