Paggamit ng AstraZeneca vaccine, sinuspinde ng Denmark
COPENHAGEN, Denmark (AFP) — Inihayag ng Danish health authorities, na pansamantala nilang sinuspinde ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca, matapos maka-develop ng blood clots ang ilang nabakunahan nito.
Ang hakbang ay ginawa kasunod ng mga ulat ng seryosong kaso ng blood clots sa mga taong binakunahan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Gayunman, nilinaw ng mga ito na hindi pa nadedetermina na mayroong kaugnayan ang bakuna at ang blood clots.
Nitong Lunes ay inanunsyo ng Austria, na sinuspinde nila ang pagbibigay ng AstraZeneca vaccines, matapos masawi ang isang 49-anyos na nurse dahil sa “severe blood coagulation problems,” ilang araw matapos itong mabakunahan.
Apat na iba pang European countries — ang Estonia, Latvia, Lithuania at Luxemburg ang nagsuspinde rin ng paggamit sa naturang batch ng bakuna, na ipinadala sa 17 European countries na binubuo ng isang milyong shots.
Subalit ang Denmark ay sinuspinde ang lahat ng kanilang AstraZeneca supply.
Nitong Miyerkoles, inihayag ng European medicines watchdog EMA na lumitaw sa paunang pagsisiyasat, na ang batch ng AstraZeneca vaccines na ginamit sa Austria, ay malamang na walang kaugnayan sa pagkamatay ng nurse.
Sa pahayag ng EMA, hanggang noong March 9, 22 ay may napapaulat na mga kaso ng blood clots, sa kalipunan ng higit tatnahan sa European Economic Area.
Sinabi ni Danish Health Authority director Soren Brostrom . . . “It is important to point out that we have not terminated the use of the AstraZeneca vaccine, we are just pausing its use.”
Ayon sa Denmark, may isang namatay matapos mabigyan ng bakuna. Naglunsad naman ang EMA ng imbestigasyon sa nasabing insidente.
Ayon pa kay Brostrom . . . “There is broad documentation proving that the vaccine is both safe and efficient. But both we and the Danish Medicines Agency must act on information about possible serious side effects, both in Denmark and in other European countries.”
Ang suspensyon na rerepasuhin makalipas ang dalawang linggo, ay inaasahang magpapabagal sa vaccination campaign ng Denmark.
Sinabi ng health authority, na sa halip na sa early July ay mid-August na inaasahang matatapos bakunahan, ang buong adult population sa Copenhagen.
© Agence France-Presse