Paggamit ng Body Camera ng mga Law Enforcer na magsisilbi ng Warrants, aprubado na ng Korte Suprema
Ikinonsidera ng Korte Suprema ang panukalang i-obliga ang mga Law Enforcers na magsisilbi ng mga warrant na ipalalabas ng mga Trial Courts na magsuot ng body camera.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, bubuo at maglalabas ang Korte Suprema ng resolusyon kaugnay sa paggamit ng body camera sa pagpapatupad ng mga mandamyento o warrants.
Ito ay kaugnay sa ipinapanukalang Revised Rule of Criminal Procedure.
Ang pag-apruba sa mungkahing paggamit ng body camera ay sa harap na rin ng operasyon ng pulisya sa CALABARZON na tinaguriang ‘Bloody Sunday’ kung saan siyam ang napatay na aktibista sa pagsisilbi ng search warrants ng mga otoridad.
Supreme Court PIO:
“The Court today considered a proposal to require the use of body cameras for law enforcers who will execute warrants to be issued by the trial courts. A Resolution will be drafted which will be further considered soonest.”
Moira Encina