Paggamit ng faceshield kontra COVID-19 hindi aalisin – PPRD
Mananatili ang paggamit ng publiko sa faceshield bilang karagdagang depensa laban sa COVID-19.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Dutere sa kanyang regular Talk to the People.
Sinabi ng Pangulo bagamat noong una ay siya mismo ay gusto ng alisin ang paggamit ng faceshield dahil sa ibang bansa ay hindi na ito ginagamit maliban sa medical frontliners.
Ayon sa Pangulo ipinaliwanag ng health experts maging ng World Health Organization o WHO na mabisa parin ang paggamit ng faceshield bilang karagdagang depensa laban sa COVID-19 ngayong mayroong kumakalat na Delta variant.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ipanawagan ni Manila Mayor Isko Moreno na tigilan na ang paggamit ng fsceshield dahil dagdag gastos lamang ito sa taongbayan at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang pagbili ng supply ng mga gamot na ginagamit para gumaling ang mga tinatamaan ng COVID-19.
Vic Somintac