Paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa Covid-19, pinasusuri sa FDA
Maghahain ng resolusyon si Senador Ramon Bong Revilla, Jr para himukin ang Food Drug Administration (FDA) na siyasatin ang aplikasyon para sa paggawa ng gamot na Ivermectin.
Sinabi ni Revilla na marami siyang nakausap na mga doktor at pasyenteng nagkaroon ng Covid-19 at nagsabing epektibo umano ang gamot na ito para mapabilis ang paggaling ng isang nahawa sa COVID-19, bukod pa sa hatid nitong proteksyon na huwag mahawa sa naturang virus.
Sa pamamagitan umano nang pagsusuri na isasagawa ng FDA ay matitiyak ang “efficacy” ng Ivermectin at kung ano ang tamang paraan para sa kaligtasan nang paggamit nito.
Bagamat hindi aniya siya eksperto sa medisina pero bilang mambabatas tungkulin niya na maghanap ng mga alternatibong solusyon sa nararanasang Pandemya.
Nauna rito ay ay nagsumite ng aplikasyon ang manufacturer ng Ivermectin sa FDA ng License To Operate noong nakaraang Pebrero 11 para makakuha ng Certificate of Product Registration at maibenta na ito ng legal sa publiko
Ngunit sa halip na tugunan ang aplikasyon ay nagbanta ang FDA noong nakaraang Marso 21 na mapaparusuhan ang sinumang magtulak sa paggamit ng Ivermectin.
Ang Ivermectin ay isang anti-parasitic na gamot na may veterinary applications, o ginagamit sa mga hayop, ngunit ginagamit rin naman sa mga tao.
Meanne Corvera