Paggamit ng mga paputok sa Pasig City ipinagbawal na rin
Hindi na rin pinapayagan sa Pasig City ang paggamit ng anumang uri ng mga paputok habang nasa ilalim pa ng General Community Quarantine ang lungsod.
Sa ilalim ng executive order ni Mayor Vico Sotto, ipinagbabawal ang paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices sa harap ng nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon.
Layon nito na maiwasan ang mga firecracker- related injuries at malalaking pagtitipon sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang kautusan ay inilabas kasunod ng rekomendasyon na firecracker ban ng Regional Peace and Order Council- NCR.
Ang NCR kung saan kabilang ang Pasig ay isinailalim sa GCQ hanggang sa katapusan ng Enero 2021.
Moira Encina