Paggamit ng trolls at mga fake news matititigil na sa pagsasabatas ng Sim card Registration Act
Matitigil na rin ang pananamantala ng mga trolls at fake news ng mga gumagamit ng pekeng social media accounts.
Ayon kay Senate minority Leader Franklin Drilon ito’y kapag tuluyan naisabatas ang Sim card Registration Act.
Sa panukala inoobliga ang lahat ng public telecommunications entities na magparehistro ng sim cards bilang prerequisite sa kanilang pagbebenta at activation.
Kahit ang mga Social media network obligadong hingin ang tunay na pangalan at phone number ng mga user sa pagbuo ng account.
Ayon kay Drilon dahil ipaparehistro na ang mga phone numbers, madali nang matutukoy ang mga gumagawa ng fake news, online harassment at cyber libel at mga nagtatago sa pekeng pangalan.
Maari na rin aniyang aksyunan ng mga otoridad ang sangkatutak na reklamo ng cyberlibel dahil sa nangyayaring harassment sa pamamagitan ng social media.
Meanne Corvera