Paggunita sa 77th Leyte Gulf Landings anniversary, pinangunahan ng Palo, Leyte LGU
Pinangunahan nina Mayor Frances Ann Petilla at Vice Mayor Christian Ronnan Reposar ng Palo,. Leyte ang programang “Pagbalik Ha Palo” bilang paggunita sa ika-77 taong anibersaryo ng Leyte Gulf Landings, sa pamamagitan ng seremonya sa pagtataas ng watawat at wreath laying na ginanap sa Palo Pag-ibig Plaza.
Ayon sa LGU ng Palo, Leyte, ang pinakatampok sa nasabing programa ay ang mga mensahe ng pagkakaisa mula sa mga kinatawan ng embahada ng Australia, Japan, US at National President of Veterans Federation na ipinadala virtually, o binasa ng ilang mga miyembro ng Palo Sangguniang Bayan (SB).
Dumalo rin sa aktibidad sina Board Member Bob Abellanosa, 1st District ng Leyte, Pol. Lt. Col. Joselito M. Villas, Palo PNP Chief of Police, Sr. Fire Insp. Christian Rey Goyone, Palo BFP Municipal Fire Marshall, Lt. Col. Arnold D. Lozada, Commanding Officer, 93IB, 8ID, /Palo SB Members, mga department head at mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Palo, Leyte.
Rose Marie Metran