Paghahain ng COC para sa Local positions, matumal
Dalawang araw na lang ang natitira sa paghahain ng kandidatura para sa halalan sa Mayo.
Pero sa local positions, matumal pa ang bilang ng mga naghahain ng Certificate of Candidacy.
Sa datos ng Commission on Elections hanggang noong Oktubre 5, para sa posisyon bilang kinatawan sa Kongreso ay nasa 145 pa lang ang naghahain ng COC.
53 naman sa pagka-gobernador, 33 sa bise-gobernador, 354 para sa posisyon bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, 936 sa pagka-alkalde, 823 sa pagka-bise-alkalde, at 7,116 naman sa posisyon bilang miyembro ng Sangguniang Panglungsod.
Sa 2022 Elections, may mahigit 18,000 national at local elective positions ang paglalabanan.
Ang filing ng COC ay hanggang bukas, Oktubre 8.
Madz Moratillo