Paghahain ng impeachment complaint vs. VP Robredo, hindi natuloy
Hindi natuloy ang nakatakdang paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo sa Kamara.
Ayon kay Atty. Bruce Rivera kinakailangan munang may kongresista na mag endorso ng impeachment complaint bago ito ihain sa tanggapan ng House Secretary General.
Kabilang sa grounds for impeachment ayon kay Rivera ay graft and corruption, culpable violation of the constitution, at betrayal of public trust.
Paliwanag ni Rivera dahil wala pang endorsement ay idinerecho muna nila ito tanggapan ng kongresistang mag eendorso ng reklamo.
Tumanggi naman si Rivera na tukuyin ang nasabing mambabatas dahil kailangan pa nito ng sapat na panahon para pag aralan ang reklamo.
Samantala, nilinaw naman ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na wala siyang nalalaman tungkol sa nasabing impeachment complaint laban kay Robredo.
Nagtataka si Nograles kung paanong nadawit ang kanyang pangalan bilang endorser ng nasabing reklamo.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo