Paghahain ng kandidatura para sa 2019 elections, iniurong ng Comelec

Iniurong ng Comelec ang petsa ng paghahain ng Certificates of Candidacy ng mga kakandidato para sa 2019 elections.

Ito ay matapos aprubahan ng Comelec en Banc ang panukala ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ipagpaliban ang filing ng COC dahil may sesyon pa at maaring hindi makadalo ang ilang maghahain ng kanilang kandidatura.

Dahil dito, sa halip na October 1-5, magiging October 11,12, 15, 16 at 17 na ang paghahain ng kandidatura mula alas -8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Hindi tatanggap ang Comelec ng COC sa October 13 at 14 na mga araw ng Sabado at Linggo.

Nilinaw ng poll body na hindi na palalawigin ang oras ng filing sa huling araw na October 17.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *