Paghahain ng substitution para sa 2019 elections, hanggang sa Huwebes, November 29 na lang
Pinaalalahanan ng Comelec ang mga partido politikal at koalisyon na hanggang sa Huwebes na lamang, November 29 sila tatanggap ng substitution para sa mga kakandidato sa 2019 elections.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, itinakda ang deadline para ang pangalan ng substitute candidate ng mga partido ay maimprenta sa official ballot para sa eleksyon sa Mayo 2019.
Ang substitution ay pinayapagan para sa opisyal na kandidato ng mga political parties na umatras, namatay o kaya ay nadiskwalipika.
Ang Election Period ay maguumpisa ng January 13 hanggang June 12, 2019.
Ang campaign period naman para sa mga tatakbo sa national ay magsisimula ng February 12 hanggang May 11,2019 habang ang local campaign period ay mula March 29 hanggang May 11,2019.
Ulat ni Moira Encina