Paghahanap sa 11 na-trap sa iligal na minahan ng ginto sa Colombia, nagpapatuloy
BOGOTA, Colombia (AFP) – Nakikipaghabulan sa oras ang rescuers para iligtas ang 11 katao na noong isang linggo pa na-trap sa binahang illegal na minahan ng ginto.
Ang grupo ay na-trap simula pa noong Biyernes sa 17-metro o 55-talampakang lalim ng minahan, na binaha dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Ayon sa National Mining Agency (ANM), gumagamit nan g electric pumps ang rescuers para alisin ang tubig sa minahan.
Ayon kay Luis Velasquez, governor ng northwestern Caldas department . . . “Eleven people are still missing. We hope that in less than 48 hours they will have been rescued.”
Sinabi naman ni Diego Mesa, minister of mines and energy, na ang nawawalang mga minero ay sangkot sa “unauthorized” activity.
Ang mga ganitong uri ng aksidente ay karaniwan na sa Colombia, kung saan mas malaki ang kita sa ilegal na pagmimina ng ginto kaysa drug trafficking — ang dalawang illegal na gawaing pinagmumulan ng pondo ng mga armadong grupong lumalaban sa halos anim na dekada nang kaguluhan sa Colombia.
Ngayong taon, 33 illegal miners ang namatay ayon sa ANM, at 171 naman noong nakalipas na taon.
Ang legal na pagmimina at langis ang pangunahing exports ng Colombia, ang ika-apat sa pinakamalaking ekonomiya ng Latin America.
© Agence France-Presse