Paghahanap sa mga survivor, ipinagpatuloy ng Greece matapos lumubog ang isang migrant boat
Ipinagpatuloy ng Greece ang paghahanap sa mga survivor, isang araw matapos tumaob at lumubog ang isang overloaded na fishing boat sa Ionia Sea, kung saan pinangangambahang marami ang naging biktima.
Sinabi ng coastguard na 78 mga bangkay ang narekober na.
Ayon sa isang tagapagsalita, dalawang patrol boats, isang helicopter at anim na iba pang mga barko ang nasa lugar upang maghanap sa kanlurang bahagi ng Peloponnese peninsula, ang pinakamalalim na bahagi sa Mediterranean.
Survivors of a shipwreck stand at a warehouse at the port in Kalamata town, on June 15, 2023, after a boat carrying dozens of migrants sank in international waters in the Ionian Sea. Greece has declared three days of mourning, the interim prime minister’s office said on June 14, 2023, over a migrant boat sinking in the Ionian Sea feared to have claimed hundreds of lives. The Greek coastguard has so far recovered 79 bodies and rescued over 100, but survivors are claiming that up to 750 people were on board. (Photo by Angelos Tzortzinis / AFP)
Kaugnay ng trahedya ay nagdeklara na ang Greece ng three days of mourning.
Ang isa namang Greek navy frigate na may lulan sa mga katawan, ay dadaong sa western port ng Kalamata.
Sa ngayon ay 104 katao na ang naisalba, ngunit may mga pangamba na daan-daan pa ang nawawala, base sa testimonya mula sa survivors at hindi kabilang sa kanila ang mga babae at bata.
Sinabi ng tagapagsalita ng coastguard, na lahat ng nailigtas nila ay pawang mga lalaki.
Ayon sa tagapagsalita ng gobyerno na si Ilias Siakantaris, may mga hindi kumpirmadong ulat na aabot sa 750 katao ang lulan ng bangka.
Aniya, “We do not know what was in the hold… but we know that several smugglers lock people up to maintain control.”
Isang survivor ang nagsabi sa mga doktor sa ospital sa Kalamata, na daan-daang mga bata ang nakita niyang sakay ng bangka.
Medical staffs carry a survivor on a stretcher outside a warehouse at the port in Kalamata town, on June 15, 2023, after a boat carrying dozens of migrants sank in international waters in the Ionian Sea. Greece has declared three days of mourning, the interim prime minister’s office said on June 14, 2023, over a migrant boat sinking in the Ionian Sea feared to have claimed hundreds of lives. The Greek coastguard has so far recovered 79 bodies and rescued over 100, but survivors are claiming that up to 750 people were on board. (Photo by Angelos TZORTZINIS / AFP)
Sinabi naman ni coastguard spokesman Nikolaos Alexiou, “The fishing boat was 25-30 metres long. Its deck was full of people, and we assume the interior was just as full.”
Ayon sa coastguard, isang surveillance plane ng Frontex agency ng Europe ang nakakita sa bangka noong Martes ng hapon, ngunit tumanggi ang mga pasahero na sila ay tulungan, at wala ring sinuman sa lulan nito na nakasuot ng life jacket.
Sinabi ng mga awtoridad na lumilitaw na ang mga migrante ay umalis sa Libya at patungong Italya.
Nagka-aberya ang makina ng bangka at tumaob sa pinakamalalim na bahagi ng Mediterranean, ayon kay Siakantaris, kung saan lumubog ito humigit-kumulang 10-15 minuto makaraang tumaob.
Karamihan ng mga nasagip ay mula sa Syria, Egypt at Pakistan, at ayon sa coastguard, pansamantala silang nangangalong sa isang warehouse sa pantalan upang kilalanin at kapanayamin ng Greek authorities, na naghahanap ng posibleng smugglers mula sa kanila.
Sinabi ni Erasmina Roumana, miyembro ng UNHCR refugee agency, “It’s really horrific, the survivors were ‘in a very bad’ psychological situation. Many are under shock, they are so overwhelmed. Many of them worry about the people they travelled with, families or friends. They want to call their families and tell them that they arrived.”
Ang pinaka grabeng migrant tragedy sa Greece ay nangyari noong June 2016, nang hindi bababa sa 320 katao ang naitalang namatay o nawala matapos ang insidente ng paglubog malapit sa Crete.