Paghahanda para sa SONA ni Pangulong Duterte, sinimulan na
Mahigit isang buwan bago ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Dutrerte ay pinulong ng Committee on Media sa Task Force SONA 2019 ang mga kinatawan ng telebisyon, radyo, print at online media.
Sa pulong, tinalakay ang rules at guidelines para sa media coverage ng SONA 2019 na mangyayari sa July 22.
Kabilang dito ang physical arrangements sa mga designated area para sa media, set-up ng mga gamit, dress code, holding areas at iba pa.
Nagsimula na rin ang pagsusumite ng aplikasyon para sa media accreditation.
Dahil mahigpit ang seguridad tuwing SONA, tanging ang mga mabibigyan ng IDs ang maaaring pumasok sa Batasan complex.
Magpapatupad din ng color-coding kung saan lamang maaring manatili ang mga miyembro ng media na nabigyan ng Sona ID simula alas 2:00 ng hapon sa July 22.