Pagharap ni SPO3 Lascanas sa Senado ipinagpaliban sa susunod na linggo
Ipinagpaliban ni Senafor Panfilo Lacson sa susunod na linggo ang pagdinig sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay ng pagharap ni SPO3 Arturo Lascanas.
Nauna nang itinakda sa Huebes, March 2 ang pagtestigo sana ni Lascanas pero ayon kay Lacson ngayon lang nila natanggap ang kopya ng kaniyang affidavit.
Hindi na aabot sa 3-day notice rule ang pagpapatawag ng pagdinig bukod pa sa ikinukonsulta pa nila sa mga Senador kung sino-sino pa ang mga iimbitahan sa pagdinig.
Pagtiyak ni Lacson, hindi na mapipigil ang pagdinig dahil pinaboran ito ng mayorya ng mga miyembro ng Senado maliban na lamang kung may haharang pa sa ginawang referral sa kaniyang komite.
Sa ngayon, bukod kay Lascanas, hiniling na ng tanggapan ni Senadora Leila de Lima na mapaharap rin sa imbestigasyon ang mga opisyal ng Commission on Human Rights.
Ulat ni: Mean Corvera