Paghigop sa natitirang langis mula sa MT Princess Empress, sinimulan na
Sinimulan na ang paghigop sa natitirang langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.
Dumating nitong Lunes, May 29 ang Dynamic Support Vessel Fire Opal na hihigop sa natitirang langis sa lumubog na motor tanker.
Ayon kay Rear Admiral Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 120,000 hanggang 240,000 mula sa 800,000 litrong Industrial fuel na karga ng MT Princess Empress ang inaasahang natitira sa barko.
Ayon kay Commodore Geronimo Tuvilla, Commander ng Incident Management Team-Oriental Mindoro, tinatayang aabutin ng 20 hanggang 30 araw ang paghigop sa natitirang langis.
Ang DSV Fire Opal ay “chartered” ng Malayan Towage and Salvage Corporation at kinontrata ng insurance company ng barko.
Madelyn Villar